A Confession of an Ambivert
Bakit nga ba confession? May krimen ba? Wala lang. Trip lang. Eh sa ayun ang mga nababasa ko sa iba eh. Tsaka feeling ko, lakas makatalino. Naks. De, confession kasi gusto ko lang masabi sa pamamagitan nito ang aking saloobin. Ayun lang po. Bow. Bakit ambivert? Feel ko lang. Parang yun ako eh. Di ako introvert dahil madaldal ako sa mga tropa ko, di rin extrovert dahil di naman ako masyadong friendly to the highest level. Kita naman sa Facebook account ko, more or less 672 lang ang friends ko dahil di naman ako nag-a-accept ng di ko kilala liban kung schoolmate o churchmate, kahit di kilala, accept agad. Ambivert ako kasi, nasa gitna ako ng introvert at extrovert. Yung nasa kaliwa ko si introvert at nasa kanan ko si extrovert? Biro lang.
Mahiyaing makapal ang mukha.
Ito ako sa mga kaibigan ko. Sa una, mahiyain ako. Tipong di makabasag pinggan. Tipong walang experience gumawa ng kalokohan. Tipong di pa suminta. Ganern. Di ako masyadong nag-i-initiate ng pag-uusap kahit naturingang Broadcasting ang kurso ko. Eh ganun talaga eh, ano? Porket nasa field ng communication, madaldal agad? Porket Broadcasting student, malaki na ang bunganga? Porket Broadcasting student, extrovert agad? Wew. Sa pangalawa (may “sa una” kasi kaya may “sa pangalawa”), kapag close ko na mga tropa ko, makapal na mukha ko. Bakit ba? Close naman kami eh. I do the talking, I initiate talks if I’m comfortable to my talkmate but it doesn’t apply to all. Minsan kasi, mabuka rin bunganga ko sa di ko pa ka-close. Yung kumbaga sa Facebook, mutual friend niyo ng tropa mo. Kapag kasama ko tropa ko at yung tropa niya, minsan FC (feeling close) ako lalo na kung ubod ng tahimik. Minsan naman, hayahay lang. Ang ingay kasi eh, tawanan na lang ang jokes kahit corny. Ayun, kapag feel ko dumaldal, sige, sumabay ka pa. Kapag feel ko,tumahimik… *kru kru kru… Lagi rin akong nakikipag-asaran sa mga tropa, lagi rin sa kulitan, harutan pero walang suntukan. Friends friends pa rin. Malakas din trip namin sa isa kong tropang laging naming binybully pero mahal namin yun. Naks.
“Akala ko suplado ka?”
Common na sa akin yan. Lagi na lang akong napagkakamalang suplado. Di ko alam kung anong mali sa mukha ko, kahit pa noong high school nung wala pa akong antipara eh ganun na talaga ang first impression sa akin. Nagtataka ako at laging tumitingin sa salamin kung ano nga ba ang mali sa mukha ko… sisimangot ako, ngingiti, poker face, et cetera, et cetera. Siguro, yung tabas ng kilay ko ang problema? O kaya, yung makunot kong noo? O yung mata kong mapungay? O yung mukha ko mismo? Ewan. Nakakangawit naman siguro kung maghapon akong nakangiti, baka mapagkamalan pa akong psychopath dahil ngumingiti ako ng walang dahilan at wala pa naman akong nakita o nakasalubong na habang buhay niya eh nakangiti siya, liban na lang kung naka-drugs, abot tenga pa ngiti niyan, kita pa ang mga ngipin, yun nga lang tinamad pumasok ang iba, absent pa eh. When I have a new friend, doon na ako magiging medyo makulit, control lang, chill lang. Doon na nila sasabihin ang pinakagasgas na linyang narinig ko sa buong buhay ko kaysa “walang himala.” Ito nga yung, “akala ko suplado ka…” I heard it maybe a hundred times. Natatawa na nga lang ako kapag naririnig ko yun sabay tanong ng “bakit?” Kesyo, di raw ako palangiti, di raw approachable, di raw palabati, basta. Eh kasi, mahiyain talaga ako, takot ako mareject ng kapwa ko. Karanasan ko na kasi dati yun kaya I do not initiate greetings sa mga di ko ka frequency, I mean, di ko kabagang or ka close, baka snob mode lang ulit sila sa akin. Ayun, napapaisip ako kung paano babaguhin yun kaya nitong nakaraang school year, naging FC ako. I get out from my comfort zone, I need to be approachable because I believe that it will help me in my career. Ayun, medyo epektib naman siya. I gain friends at sila na ang nag-aapproach sa akin.
Ninja moves kapag may bisita sa bahay.
Kapag may darating na bisita sila Mama at Papa, magnininja moves ako at magtatago sa kwarto. Di talaga ako marunong mag-entertain ng bisita nila. Usapang matanda yun eh, tapos kapag na tiyempong nakita ako nila Mama papuntang CR, tiyak noon paglabas ko, ipapakilala na ako sa mga bisita. “Anak ko nga pala… Scholar yan… Pogi yan, mana sa amin…” at kung anu-ano pang pag-aangat sa akin. Ngiti na lang ang sukli ko sa mga papuri nila Mama. Wala eh, proud sila sa anak nila. “Ehemmm… excuse me po!” Pero sa totoo, gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko sa hiya. Gusto kong mawalang parang bula lalo na kapag sumagot ang bisita na “ang galing galing naman…” Ninja moves na ako nun. Ewan ko pero nahihiya talaga ako kapag alam kong ako na ang topic. Pinagpapawisan na ako nun. Di ako sanay sa mga ganung usapan kaya para makaiwas, kunyare matutulog ako pero in fairness, inaantok naman talaga ako. Pero kung ang mga bisita nila Papa at Mama eh matagal ko ng kilala, walang hiya naman ako. Nakikiumpok ako sa usapang matatanda. Kunyare, kaedad lang nila ako. Pero ang favorite part ko talaga dun ay yung pagkain. Ninja moves ako sa pasalubong ng mga tropa nila Mama at Papa. Ayun, solve!
Gitara at kanta kapag may free time.
Hilig na hilig ko talaga ang pagkanta sa saliw ng gitara. Stress reliever ko ang paggigitara lalo na kung umuulan. Sarap tumugtog, dude! Sarap magsenti. Minsan pa nga, nirerecord ko mga tugtog ko tapos pinapakinggan ko then kapag di nasatisfy, ulit uli. Minsan nga, ang sakit na ng kamay ko pero tuloy pa rin para lang maging almost perfect. Nakakabadtrip kasi kung mali pa lyrics ko, di ba? Magcocover ka na lang din, lubusin mo na. Badtrip din kung may biglang kumahol na aso o dumaang sasakyan. At ang malupit, bigla kang inutusang bumili ng mantika o kaya yelo. O kaya pinagsasaing na. Ulit uli sa umpisa. Kaasar. Pero kapag okay na, papakinggan ko then minsan, post sa FB. Panay compliment naman nababasa ko. Ayos na rin yun, makikipakinig na nga lang sila, mamimintas pa, di ba? Unfair yun. Ngayon, di ko na masyado magawa yun kasi sira na gitara ko. Bumuka ang bridge nung gitara. Wala pa namang pera sila Mama at Papa pambili ng bago kaya tiis muna. Kapag may mahihiraman, sige, tugtog lang pero di ko na nirerecord. Nakakahiya kasi kapag may nanonood, di ko maibigay buong emosyon ko sa pagtugtog. Naibibigay ko kasi buong emosyon ko kapag mag-isa lang eh. Naks. Gumaganon. Ayun lang.
Ayun lang masasabi ko. Wala na akong maidadagdag pa. Kung nakarelate ka, mag-assess ka at baka ambivert ka rin tulad ko.
Awesome, Patty!
TumugonBurahin